MANILA, Philippines – National Artist Virgilio S. Almario paid tribute to the late Pope Francis with the Filipino poem “Avanti.”
Also known as Rio Alma, Almario penned the piece on Monday, April 21, paying tribute to the well-loved Roman Catholic church leader who championed the poor, disadvantaged, and marginalized.
Pope Francis died on Monday. He was 88.
Avanti
(Alay kay Pope Francis)
Walâng ilog na umiinom sa sariling tubig.
Tunay na maputlang anino ng taglamig
Ang umangkin sa iyong lawas na mortal,
Ngunit isang batóng-buháy ang naiwan
Para maging bantayog sa mga antigong katedral
At mabubuway na templo ng alinlangan at alinsangan.
Luluha ang sanlibong kandila,
Sanlibong rosaryo ang gagasgas sa daliri’t dibdib.
Ngunit binuksan mo ang altar
Sa marurumi, pinagkaitan, at makasalanan;
Pinaluwang mo ang pasilyo’t lagusan ng pag-ibig
Para ipagdiwang ang pagkakaisa, ang tagumpay
Ng katotohanan sa kasinungalingan,
Ang pagwawagi ng pagpapatawad sa paghihiganti.
Hindi nasusugpo ng kidlat ang kasamaan at poot,
Ngunit tagapagdulot ka ng pag-asa
Na ang gútom at digma ay naiiwasan;
Nása taimtim na sakripisyo ang kaligayahan.
Isa kang buháy na ilog ng senyas, walâng kamatayan,
At walâng iwawagayway kundi himagsik
Sa aming nakamihasnang tag-ulan at tag-init.
Umiinom ako sa iyong daloy na pinakamatamis.
– Rappler.com